IQNA

Sinalakay ng Militar ng Israel ang Dalawang Moske, Istasyon ng Radyo ng Qur’an sa Gaza

16:05 - October 09, 2023
News ID: 3006123
GAZA (IQNA) – Tinutukan ng mga puwersa ng pananakop ng Israel ang dalawang moske at ang punong-tanggapan ng Istasyon ng Radyo ng Banal na Qur’an sa kinubkob na Gaza Strip.

Sinimulan ng mga puwersang Israeli ang pagsalakay sa Gaza mula noong Sabado matapos ang mga puwersang panlaban ng Palestino, na pinamumunuan ni Hamas, ay naglunsad ng malawakang operasyong militar laban sa mga nasakop na lupain na tinawag na Baha ng Al-Aqsa.

Kinondena ng Kagawaran ng Awqaf at Panrelihiyon na mga Kapakanan ang pagpuntarya at pambobomba sa Moske ng Al-Amin Mohammad sa kanlurang Lungsod ng Gaza at sa Moske ng Mohammad Al-Malaysi sa Lalawigan ng Khan Younis.

Kinondena din nito ang pagkawasak ng punong-tanggapan ng Radyo ng Banal na Qur’an na kaanib ng Kagawaran, na matatagpuan sa Torre ng Palestine, na alin nawasak noong Sabado.

  • Pinupuntarya ng Hezbollah ang mga Lupang Sinasakupan ng Israel bilang Pag-aaway sa Gaza

Sinabi ng kagawaran na ang pagpuntaraya sa mga moske at lehitimong mga institusyong panrelihiyon ay bumubuo ng isang paglabag sa kabanalan ng mga lugar ng pagsamba, isang pagbabawal na itinataguyod ng lahat ng pandaigdigan mga batas at mga pamantayan.

Pinagtibay nila na ang mga krimeng ito ay hindi kilala sa militar ng Israel, na alin nagpuntarya ng mga sibilyan.

Nanawagan sila sa pandaigdigan na pamayanan na gumawa ng agarang aksiyon upang protektahan ang mga sibilyan at mga lugar ng pagsamba.

Mahigit sa 300 na mga Palestino, kabilang ang hindi bababa sa 20 na mga bata, ay napatay ng pagsalakay ng Israeli sa Gaza.

                                                                                                                               

3485478

captcha