IQNA

Kilalang mga Tao ng Qur’an/33 Ang Maka-Amang Payo ni Luqman para sa Anak na Lalaki

9:19 - February 28, 2023
News ID: 3005209
TEHRAN (IQNA) – Si Luqman ay isang iskolar sino nabuhay noong panahon ni Propeta Davoud (David) at kilala sa kanyang mahusay na kaalaman, Hikma (karunungan) at sa kanyang ugali na payo sa kanyang anak na lalaki.

May iba't ibang mga pananaw sa kanyang kaugalian. Ang ilan ay nagsasabi na siya ay isang mahusay na iskolar at magandang-asal na kilalang tao. Ang iba ay naniniwala na siya ay isang propeta ng Diyos. Ayon sa ilang iba, siya ay isang alipin na umabot sa isang kahanga-hangang espirituwal na katayuan dahil sa kanyang magandang-asal na mga katangian at samakatuwid ay pinalaya siya ng kanyang amo.

May iba't ibang mga pananaw din tungkol sa kanyang lahi at kung saan siya nakatira. Ang ilan ay naniniwala na siya ay mula sa mga tao ng Aad, habang ang iba ay nagsasabi na siya ay mula sa Bani Isra’il. Mayroong iba na nagsasabing siya ay isang alipin mula sa Abyssinia (Etiyopia ngayon).

Si Luqman ay isang tao sino tumulong kay Propeta Davoud (AS) sa mga usaping panghukuman.

Kabilang sa kanyang mga katangian ang pagiging mapagpakumbaba sa harap ng mga tao, hindi kailanman kumikilos patungo sa pagsamba ng diyus-diyusan, mabagal na paglalakad, katamtaman sa buhay, malalim na pag-iisip, katahimikan, katapatan, pagiging totoo at pagtulong sa paglutas ng mga alitan ng mga tao.

Mayroong isang Surah sa Banal na Qur’an na pinangalanang Luqman na alin nagbanggit ng sampung mga piraso ng kanyang payo sa kanyang anak. Kabilang dito ang pangangailangan ng pagtitiyaga sa oras ng kahirapan, pagdarasal, pagtataguyod ng kabutihan at pag-iwas sa bisyo, at pagkakaroon ng katamtaman sa buhay.

Ang kanyang mga payo ay nabanggit din sa panrelihiyon na mga aklat. Halimbawa, hinimok niya ang kanyang anak na lalaki na tulungan ang mga tao, laging ngumiti, maging bukas-palad, tanggapin ang mga imbitasyon ng iba, at magbigay ng konsultasyon sa kanyang mga kaibigan.

Naniniwala si Luqman na ang mabuting kasama ay isang taong sino laging naaalala ang Diyos. Ang mga pagkilos ng gayong tao ay nakikinabang sa kanyang mga kasama at nagdudulot ng banal na awa.

Naniniwala rin siya na kahit isang libong mga kaibigan ay hindi sapat habang ang kaaway ay masyadong marami.

Si Luqman ay isang karaniwang tao na may mahusay na katalinuhan at mga kakayahan sa pag-iisip. Isinalaysay na ang isa sa kanyang mga kaibigan ay nagtanong sa kanya kung paano siya nakakuha ng napakaraming kaalaman at siya ay tumugon na ito ay biyaya ng Diyos at ipinagkaloob sa kanya para sa kanyang mga katangian katulad ng katapatan, pagiging totoo at katahimikan kapag walang pakinabang sa pakikipag-usap.

 

 

3482629

captcha